THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Friday, May 21, 2010

Reklamo sa kabilang tahanan ko. (tumblr)

Madalas ako magfollow. Lalo na kung interesting ang page mo. Pero hinding hindi ako nagfofollow ng mga tumblr profiles, lalo na kung yung nakakairitang boses lang ni Justin Bieber ang unang una kong maririnig pagbukas ko ng page mo. Oo kanya kanyang trip naman yan, at trip kong pagtripan si Justin Bieber ngayon kase nababadingan ako sa kanya. At kaya nga di na lang kita ifofollow, kasi baka pag nagpost ako ng mga bagay bagay tungkol kay Bieber ay isumpa mo ko ng todo(pero sa ngayon, eto yung unang post ko tungkol sa kanya. at sa tingin ko nga ay isusumpa nyo na ko). Di ko rin maintindihan kung bakit andami daming patay na patay sa kanya at paulit ulit na nagsasabi sa kani kanilang profile na asawa sila ni Justin Bieber(hindi nga ata nya alam na nabubuhay ka eh). Kung meron man akong finollow dito na may background music ng kanta ni Bieber at patay na patay sa kanya, siguro ay nasa pc shop ako na walang speaker o headset nung finollow kita kaya di ko narinig na kumakana na pala sya sa profile mo, at siguro din ay unteresado lang ako masyado sa blog mo kaya di ko na pinakealaman kung mahal mo man si Justin Bieber. Wag kang magalit kahit alam kong nakakainis tong post na to. Eto naman ay pananaw ko lang at nagpapakatotoo lang. Kung fan ka niya at nabasa mo to at naoffend ka, sige ok lang kahit iunfollow mo ko(handa na ko sa mga mangyayare), pero hindi kita iuunfollow, kasi nga interesado ako sa blog mo. Okey kokey?

0 comments: