Oo, 200 lang baon ko, ewan ko ba, sa iba ok na yun, pero sakin hindi. Sa lakas ko ba namang kumain eh, at syempre mamamasahe pa ko, sinong hindi maliliitan sa baon ko? Every 2 hours ata ako nagugutom. Grabe no? Kasya naman yung 200, kung yung mga bilihan sa lugar kung saan nakatayo yung skul namen ay mura lang. Kaso HINDI eh! Talagang magugutom ka sa presyo. Wala kang choice eh, eto lang pagpipiliian mo: Jollibee, McDo, Mongolian Quickstop, Bacolod Chicken Inasal, Starbucks, at 7-11. Alam nyo naman siguro kung magkano mga bilihin dito sa mga stores na yan diba? Dati naman ay merong nagtitinda ng kanin at lutong ulam dun sa skul namen, kaso kelangan magpareserve ka na, kasi minsan nagkakaubusan. Then One day, bugla na lang nawala, nireklamo ata nung isang stall dun, wala na daw nabili sa kanila dahil dun sa nagtitinda sa school. Eh kahit naman wala yung nagtitinda sa skul, eh wala talaga nabili sa kanila dahil ang mahal ng mga pagkaen sa kanila! Gusto ko maghunger strike para magkaron ng canteen sa school, kaso naisip ko, hindi ako makakatagal dun. Lagi akong gutom eh. Shuuuuuuuu.
Friday, May 21, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment